Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia nitong Sabado, Setyembre 24, na ang pagbabago sa iskedyul ng pag-imprenta ng balota ay hindi sa anumang paraang indikasyon ng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa isang pahayag, nilinaw ni Garcia na ang pangunahing dahilan ng pagbabago sa iskedyul ay para sa isang palugit para amyendahan ang Comelec’s Memorandum of Agreement (MOA) sa National Printing Office (NPO).

Paliwanag niya, ang dahilan kung bakit na-move ng isang linggo ang pag-imprenta ng balota ay nang makausap nila ang NPO, nag-alok sila na sa halip na dalhin ang mga balota sa ibang lokasyon, pananagutan nila ang pag-iimbak nito.

Nakatakdang mag-print ang Comelec ng higit sa 91 milyong balota para sa BSKE.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpahayag ng tiwala si Garcia na bago matapos ang Setyembre, maipapasa na ng bicameral committee ang kanilang bersyon ng panukalang batas na nagpapaliban sa BSKE.

Sa kabilang banda, tiniyak ni Chairman Garcia sa publiko na kung ang mga pangyayari ay magtutulak sa kanila na ituloy ang BSKE sa Disyembre 5 ng taong ito, handa ang poll body na gampanan ang mga tungkulin nito alinsunod sa mandato nito.

Samantala, sinabi ni Garcia na kasalukuyang tinitingnan nila ang posibleng implikasyon sa Notice of Award na ibinigay ng poll body sa mga supplier at service contractors, sakaling ma-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“Baka po kasi maya-maya kasi bigla na lang ibalewala ‘yung mga pagbili namin eh sasabihin iligal ‘yung pagbili namin, medyo ‘yun po ay kinakailangang pag-aralang mabuti,” dagdag niya.

“Pinag-aaralan po namin… kung ano ang implikasyon sa mga nabigyan namin ng Notices of Award… una, ‘yan ba ay rerequirin ba namin na mag-deliver, ‘yung mga kagamitan? Kasi po baka maya-maya… kung halimbawa hindi naman ipapatuloy ‘yung pagde-deliver, ‘yung meron nang Notice of Award, eh baka naman mademanda ang Comelec,” paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang panayam sa DZBB.

Nauna nang sinabi ng Comelec na hindi nito mapipigilan ang paghahanda para sa BSKE.

“Hindi kami pwede huminto sa paghahanda para sa BSKE. Unless may pirmadong batas na ilalabas…Kailangan kami magpatuloy sa paghahanda para pagdating ng December 5, naka-all systems go kami,” paliwanag ni Laudiangco.

Dhel Nazario