Nagbigay ng update ang aktres na si Ryza Cenon tungkol sa inireklamo niyang bill ng tubig, na umabot sa ₱120,000 para sa buwan ng Setyembre, batay sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Setyembre 16, 2022.

Hindi nakapagtimpi si Ryza at minention pa ang Maynilad.

"Ano kami may carwash?"

"10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????" ayon sa kaniyang caption.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kalakip nito ang dalawang litrato ng water bill na natanggap niya noong Agosto at ang inirereklamong bill ngayong Setyembre kung saan kitang-kita ang laki ng agwat.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/17/ano-kami-may-carwash-ryza-cenon-inireklamo-ang-bill-ng-tubig/">https://balita.net.ph/2022/09/17/ano-kami-may-carwash-ryza-cenon-inireklamo-ang-bill-ng-tubig/

Nitong Setyembre 22 ay mukhang naayos na ang problema ni Ryza.

"Yey!!! Naayos na!! Ok ito na ang update. Nagpunta ang Maynilad para i-check yung water line namin tapos pinalitan nila ang meter namin. Sabi nila need din pa check sa tubero namin baka may leak. So pina-check namin, may leak po sa likod ng house pero maliit lang," ayon sa Instagram post ni Ryza.

"Pero syempre nag question ako, bakit ₱120k umabot? Impossible po na aabot ng ganun kalaki sa isang buwan kahit may leak. Kaya ang ginawa nila tinest yung lumang meter namin. After po nun tumawag ang Zone Head nila sa amin to explain that since after testing the meter, nakita na worn out na din naman siya, so sabi niya na pag ganun daw po ang situation, automatic na daw po na they will instead charge us an amount equivalent ng average ng bill namin for the last 6 months."

"Kaya ₱2k++ na lang babayaran namin. Thank you po sa mga nag-assist sa amin sa Maynilad," ani Ryza.

Nagkomento naman dito ang nakatambal ni Ryza sa hit serye nilang "Ika-6 na Utos" na si Gabby Concepcion.

'WATER... IS LIFE!", aniya.