Kamakailan lamang ay pinag-usapan sa social media ang pagrereklamo ng aktres na si Ryza Cenon sa natanggap na bill ng konsumo ng tubig para sa buwan ng Setyembre.

Umabot kasi sa mahigit ₱120,000 ang kanilang konsumo, mula sa dating ₱1,101.02 lamang noong Agosto. Agad na minention ni Ryza ang Maynilad upang maipadala ang kaniyang hinaing.

"Ano kami may carwash?"

"10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????" ayon sa kaniyang caption ng kaniyang Facebook post noong Biyernes, Setyembre 16, 2022.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kalakip nito ang dalawang litrato ng water bill na natanggap niya noong Agosto at ang inirereklamong bill ngayong Setyembre kung saan kitang-kita ang laki ng agwat.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/17/ano-kami-may-carwash-ryza-cenon-inireklamo-ang-bill-ng-tubig/">https://balita.net.ph/2022/09/17/ano-kami-may-carwash-ryza-cenon-inireklamo-ang-bill-ng-tubig/

Makalipas ang ilang araw, nagbigay ng update ang aktres sa kaniyang social media post nitong Setyembre 22. Mukhang naayos na ang kaniyang problema.

"Yey!!! Naayos na!! Ok ito na ang update. Nagpunta ang Maynilad para i-check yung water line namin tapos pinalitan nila ang meter namin. Sabi nila need din pa check sa tubero namin baka may leak. So pina-check namin, may leak po sa likod ng house pero maliit lang," ayon sa Instagram post ni Ryza.

"Pero syempre nag question ako, bakit ₱120k umabot? Impossible po na aabot ng ganun kalaki sa isang buwan kahit may leak. Kaya ang ginawa nila tinest yung lumang meter namin. After po nun tumawag ang Zone Head nila sa amin to explain that since after testing the meter, nakita na worn out na din naman siya, so sabi niya na pag ganun daw po ang situation, automatic na daw po na they will instead charge us an amount equivalent ng average ng bill namin for the last 6 months."

"Kaya ₱2k++ na lang babayaran namin. Thank you po sa mga nag-assist sa amin sa Maynilad," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/24/mula-120k-naging-2k-plus-na-lang-mala-carwash-na-water-bill-ni-ryza-cenon-naayos-na/">https://balita.net.ph/2022/09/24/mula-120k-naging-2k-plus-na-lang-mala-carwash-na-water-bill-ni-ryza-cenon-naayos-na/

Nagbigay naman ng reaksiyon ang mga netizen sa comment section ng mismong IG post ni Ryza at napa-sana all na lamang. Mukhang marami rin ang nakaranas ng kagaya ng naranasan ng aktres.

"SANA ALL #maynilad !!! SANA GANIYAN DIN KAYO KA-ACTIVE SA IMUS CAVITE MGA YAWA KAYO, BUMABAGYO NA'T LAHAT LAHAT WALA PA RIN KAYONG NABIBIGAY NA MAAYOS NA SUPPLY NG TUBIG YAWA SAYO."

"Sana all artista. - #balloonbillvictim."

"…takot sila kasi artista nagreklamo sa kanila, natakot siguro makarating sa head nila, sa amin umabot ₱19K in just a month, partida wala kami pool sa house, sabi lang sa amin palitan tubo and we do, after no'n insist pa rin nila pay namin ₱19K kundi putol connection namin, and mahirap walang water kaya no choice but to pay them…"

"Sana all… Kami ₱144k wala man lng mapakitang reading ang Maynilad… Baka need pa namin maging celebrity para pakinggan din kami tsk tapos gusto nila bayaran agad namin… Unfair Maynilad!"

"Grabe, sa amin binayaran namin yung bill dahil sa leak. #sanaall."

"#maynilad sana kahit sa ordinaryong tao ganyan din kayo umaksyon."

"Yung sa amin been yearsssss no pansin. Nagsawa na lang kakareport sa MWSS namin. Hayyy."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Maynilad o maging si Ryza tungkol dito.