Sunod-sunod na tweets ang pinakawalan ni "Drag Race Philippines" host Paolo Ballesteros, bilang panawagan, paalala, at pakiusap sa ilang mga netizen na maghinay-hinay sa pambabash at pag-harbor ng "negativity" sa queens, o sa mga kalahok ng naturang reality show/contest.

Nakatatanggap kasi ng hate comments ang ilan sa mga kalahok nito kaya hindi na nakapagtimpi pa si Paolo. Isa pa, ang pambabash ay mula pa sa kabataang netizen.

"O mga iha imbes na magharbor ng negativity dito sa Twitter, maging mabuting anak sa mga magulang n'yo. Yung tapang ng words n'yo dito hindi ikaka-proud ng magulang n'yo ok? Tandaan also na merong cyber bullying na punishable by law," ani Paolo sa kaniyang tweet ngayong Sabado ng madaling-araw, Setyembre 24.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/pochoy_29/status/1573380062522802176

"Oks to voice out your opinions but when you harbor negativity and attack someone, iba na 'yon ha 👍🏼 and dont think na just because you blocked someone eh hindi na mababasa 'yang mga pagharass at pag-attack n'yo okie? Matuto ding lumugar."

https://twitter.com/pochoy_29/status/1573380427683074048

"Yung 200 pesos na subscription doesn't give you the right to attack anyone on the show okie 😉 and dont give that 'hindi ka naman nakatag' chururut. 2022 na. Mangilan-ngilan na lang ang shunga sa mundo 😅😉."

https://twitter.com/pochoy_29/status/1573380604485574657

"I mean I am happy na love na love n'yo ang mga queens natin because they deserve that. All of them are amazing!❤️ Pero also think again, kung yung mga pino-post at pang-aaway n'yo ba eh something na ikakatuwa ng mga idol n'yo? 👍🏼 kaya enjoy enjoy lang," paalala pa ni Paolo.

https://twitter.com/pochoy_29/status/1573385617253498880

Hindi lamang ang queens ang nakatatanggap ng bashing kundi maging ang mga hurado nito, lalo na ang sikat na world-renowned Filipino fashion designer na si Rajo Laurel, matapos ang kaniyang "harsh comments" kay Eva La Queen.

Kaagad namang nagpaliwanag si Rajo tungkol sa kaniyang paraan ng paghuhusga.