Tuloy pa rin sa paglalaro si Kiefer Ravena sa Gilas Pilipinas sa kabila ng mga batikos.
Sa isang television interview, aminado ang Pinoy import ng Shiga Lakes sa Japan B.League na pribilehiyo pa rin ang paglalaro sa National dahil kinakatawan nila ang Pilipinas sa ibang bansa.
Paglilinaw nito, nakalalarolang ito sa Gilas dahil sa pagkuha sa kanyang serbisyo.
"It depends, you know, whenever I get called up, even though there's a lot of people who don't want me to be there, but that's just how it is," paglilinaw ng six-footer na point guard.
Kahit aniya hindi obligasyon ang paglalaro sa national team, ibinibigay pa rin niya ang 100 porsyentong serbisyo kapag ito ay tinawagan.
"Filipinos are very passionate when it comes to basketball. They have their own opinions to it and us as players, whenever we're called to the national team, it's our privilege,"
Matatandaang binatikos sa social media si Ravena dahil umano sa palpak na style nito sa paglalaro sa National team.
Huling naglaro si Ravena sa fourth window ngFIBA World Cup Asian qualifiers kamakailan.
Kasama niya sa koponan ang kapatid na si Thirdy Ravena na naglalaro rin sa Japan B.League.