Kabilang sa Top 5 early hot picks ng pageant analyst Missosology ang pambato ng Pilipinas na si Hannah Arnold para sa muling pagbabalik ng Miss International pageant ngayong taon.

Sa pang-arangkada ng Japan-based pageant sa Disyembre, sang-ayon ang pageant experts ng Missosology sa paggawa ng brand ng kasaysayan ngayong taon.

Ito, kabilang ang mga kwalipikasyon ni Miss India International Zoya Afroz, ang dahilan kung bakit una sa listahan ng mga eksperto ang kandidata para sa Big 5 crown.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Not only she is a Bollywood actress and a model, but she is also a seasoned beauty pageant contestant whose experience will definitely boost her confidence,” anang Missosology.

Kung magbabalik naman ang brand sa dating titleholder preference nito mula dekada ’80, at ’90 kung saan namayagpag ang alindog ng mga European beauties, perfect anang koronahan si Miss Poland International Sylwia Stasińska, dagdag ng mga eksperto.

“The 24-year-old gorgeous blonde with mesmerizing blue eyes is considered as a formidable opponent in this year’s competition,” saad ng Missosology.

Taong 2008 pa nang huling maiuwi ng European continent ang titulo.

Pumapangatlo naman sa listahan ng pageant analysts ang manok ng Pilipinas na si Hannah Arnold na swak umano sa “pre-pageant trend” ng pageant brand na pawang mga East at Souteast Asian ang nag-uuwi ng korona.

Kung masusungkit muli ang korona, si Hannah ang ikapitong Pinay queen na magsisilbi para sa Japan-based organization.

Samantala, pang-apat sa listahan ng Missosology sa ngayon si Miss International Ecuador Valeria Gutierrez habang pumapanglima ang black African beauty na si Miss Cape Verde International Stephany Amado.

Narito ang kasalukuyang Top 15 early picks ng missosologists sa pag-uulat.

  1. India – Zoya Afroz
  2. Poland – Sylwia Stasińska
  3. Philippines – Hannah Arnold
  4. Ecuador – Valeria Gutiérrez
  5. Cape Verde – Stephany Amado
  6. Vietnam – Phạm Ngọc Phương Anh
  7. Dominican Republic – Celinee Santos
  8. Mexico – Yuridia Durán
  9. Indonesia – Cindy May McGuire
  10. Venezuela – Isbel Parra
  11. Romania – Ada-Maria Ileana
  12. Germany – Jasmin Selberg
  13. Malaysia- Giselle Tay
  14. Namibia – Erika Kazombaruru
  15. Spain – Julianna Ro

Bukod sa Miss Universe, Miss World, Miss Earth at Miss Supranational, ang Miss International ay kasama sa Big 5 pageants na sinusubaybayan at pinag-aaralan ng Missosology.