Bagay na bagay sa gurong nakilalang si "Sir Jessie" mula sa Efraim M. Santibañez National High School sa Passi City, Iloilo, ang pagiging superhero ng pagiging guro, dahil literal na nagsuot siya ng Spider-Man costume para makuha ang atensyon ng kaniyang mga mag-aaral habang nagtuturo.

Hindi ininda ni Sir Jessie ang init ng panahon, kahit nababalot ng costume ang kaniyang mukha at katawan. Ito aniya ang pakulo ng guro upang maiwasan ang pagliban ng kaniyang mga mag-aaral, lalo't nakikita nilang isang superhero ang nagtuturo sa kanila.

"LOOK: Isa ka ma Maestro sa PASSI CITY (EMSNHS) nagmala Spider Man sa iya klasehan para sa ika lipay sang mga kabataan. Si Sir Jessie (Titser Juan) isa ka aktibo kag produktibo nga maestro sa siudad sang passi. Isa sa mga unique sini nga pamaagi para ma set ang mood sang mga bata kag mamati sing maayo sa klasehan amu ang pag souk sang costume amu man nga nalipayan sang mga kabataan kag makita gd ang ila kalipay kag pagka aktibo sa sulod sang buluthuan," ayon sa caption ng Facebook post ng nagbahagi nitong si Vincent Horace Pagtolon-an.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Saludo kami sa iyo, Sir Jessie!