Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 5001 o ang panukalang “Free College Entrance Examinations Act" nitong Biyernes, Setyembre 23.
Layunin nito na bigyan ng mandato ang private higher education institutions (HEIs) na ma-waive ang college entrance examination fees ng kapos-palad na graduating high school students at high school graduates na kabilang sa unang 10 porsyento ng magtatapos na mga estudyante.
Itinatakda ng panukala na ang mga benepisyaryo ay mga magulang na ang magkasanib na kita ay bagsak o nasa poverty threshold na dinetermina ng National Economic andDevelopment Authority (NEDA) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kapag ito ay naging isang ganap na batas, titiyakin na ang mga mahihirap pero deserving studentsna magtatapos sa high school at maging ang high school graduates ay mabibigyan ng sapat na ayudaat pantay na oportunidad upang maipagpatuloyang kanilang pag-aaral sa kolehiyo at napiling kurso.