Nagbigay ng kaniyang reaksiyon ang direktor na si Darryl Yap sa naging pahayag ni dating senatorial candidate Atty Chel Diokno, tungkol sa episode 1 ng "Kalimutan Mo Kaya" na nagtatampok kay "Manang Imee" o Senadora Imee Marcos, na umere noong Setyembre 21, 2022.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/21/love-guru-marcos-sa-pinakabagong-online-serye-saka-ka-na-magpatawad-pag-handa-ka-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/21/love-guru-marcos-sa-pinakabagong-online-serye-saka-ka-na-magpatawad-pag-handa-ka-na/

Sa episode 1, nagbigay ng payo si “Manang Imee” sa isang misis na nahuling may "kabit" ang kaniyang mister.

"Nakakapangit ang galit. Tingnan mo napahamak ka pa. Nandamay ka pa ng wala namang kasalanan sa 'yo. Ganoon kasi kapag puro nakaraan, nawawalan ka ng kinabukasan… hindi mo ikamamatay ang pagsuko, ang pag-move on, o ang pagpapalaya… Hindi rin madali ang makalimot pero sabi nga mas mabilis gumaling ang sugat kapag hindi kinakalikot," ani senadora.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Reaksiyon naman ni Diokno, "Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba. Nakakapangit ng inyong paghuhugas-kamay. Tingnan mo, nakapahamak ka na," tweet ni Diokno nitong Huwebes, Setyembre 22, kasama ang isang quote card ni Marcos.

"Tama, hindi madaling makalimot. Pero madali namang magbayad ng tamang buwis at magpakita ng katiting na pagsisisi. Mas mabilis gumaling ang sugat pag ginagamot," dagdag pa nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/22/chel-diokno-kay-imee-marcos-hindi-mo-ikamamatay-ang-pagpapakumbaba/">https://balita.net.ph/2022/09/22/chel-diokno-kay-imee-marcos-hindi-mo-ikamamatay-ang-pagpapakumbaba/

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Yap na siyang direktor nito.

"Madaling buksan ang malaking bibig na puno ng salu-salungat na ngipin ng paninindigan, magsalita ng mga mabahong pananaw patungkol sa content na hindi naman pinanood," aniya. Kalakip nito ang screengrab ng tweet ni Diokno.

"Nakakapangit ng kampanya at ipinaglalaban ang pagbibida, lalo na sa mga taong ilang beses nang sinubukang mang-uto pero isinusuka pa rin ng tao. Mas masakit pa sa kahit anong sugat ang sungki-sungking ngipin ng pagpapanggap. Bulok na bagang na pilit umuusbong sa gilagid ng lipunan, na tuwing sumusubok ay laging binubunot."

"Mumugin mo ang katotohanang kahit kailan walang diin ang iyong kagat, dahil tanggap naming hindi ka matatahimik dahil di mo talaga kayang isara ang iyong bibig."

"As in. Di maisasara."

Samantala, bago ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa, naglahad ng kaniyang storytime si Diokno tungkol sa karanasan nila sa ilalim ng Martial Law noong 1972.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/20/chel-diokno-may-storytime-ukol-sa-martial-law-hindi-makatarungan-yung-experience-namin-noon/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/20/chel-diokno-may-storytime-ukol-sa-martial-law-hindi-makatarungan-yung-experience-namin-noon/