Hinangaan ng libu-libong netizens ang isang ina sa San Francisco sa Cebu matapos igapang ang pag-aaral at makapagtapos ng programang Bachelor’s degree in Industrial Technology sa Cebu Technologocal University kamakailan.

Instant online celebrity si Nanay Liezel Nudalo Formentera kasunod ng isang nakaka-inspire na istorya.

Pagbabahagi ng na may tatlo ring inaalagaan na mga anak, hindi naging madali ang pag-abot sa kaniyang diploma kung saan kinailangan niyang maglako ng gulay sa umaga habang binubuno ang kaniyang pag-aaral sa gabi.

Viral ang pasasalamat ni Liezel sa isang Facebook post na kasalukuyang pinusuan na ng nasa 36,000 netizens.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Being a mother of three children, a vegetable vendor by day, and a student at night is not easy, but I thank God that he gives me strength in the midst of these circumstances,” mababasa sa kaniyang Facebook post, noong Linggo, Setyembre 18.

Thanks to my beloved customers for supporting my small business. Now, behind this situation, I have achieved my goal in life. Thank you, dearest Jesus, for these blessings,” dagdag niya.

Libu-libong netizens din ang nagpaabot ng pagbati at pasasalamat kay Liezel sa pagiging inspirasyon nito sa maraming tao.

“Congratulations ma'am. Nothing's ever more proud of you than your family seeing you walking towards the aisle with the banging tassel that has been the products of your hustle❤️🎉 Salute co-technologist!” komento ng isang Facebook user.

“You are such an inspiration to other students like me even though I'm just in SHS level. I still pursue to achieve my dreams for my family and as well as for myself. That circumstance may strengthen you so be proud ma'am that you don't give up!!💗

“Though I didn't even know you, I am proud of you, imagine a vegetable vendor by day and studying at night is so difficult. I salute you for being a good mother to your children. You are very industrious and responsible to your family! My congratulations!”

“Congratulations pooo!! You did a job well-done huhu thanks for being an inspiration to us "Students" Godbless you po!”

Aktibo rin sa simbahan si Liezel na naniniwalang malaking bahagi ng kaniyang tagumpay ang kaniyang pananalig sa Diyos.