Viral sa social media ang 17-anyos na estudyante ng Leyte National High School kasunod ng isang progresibong hakbang sa polisiya ng kaniyang eskwelahan sa Tacloban.
Makalipas lang ang ilang oras, kasalukuyang tumabo na sa mahigit 70,000 reactions ang profile photo ng dalagita sa Facebook suot ang nais na uniporme.
Sa isang mahabang post, nagpaabot naman ng pasasalamat ang Grade 12 student sa pagpayag ng pamunuan ng LNHS na masuot ang uniporme ayon sa kaniyang sexual orientation, gender identity and expression (SOGIE).
Umaasa naman si Maravillo na kagaya ng kaniyang eskwelahan, ilan pang kasama sa LGBTQIA ang makararanas ng parehong paglaya sa diskriminasyon, lalo pa sa loob ng pang-akademyang lugar.
“I hope that in the near future, other schools will also conform to gender—friendly wearing of uniform. Thus, it does not only intend to help in amplifying gender acceptance in our society but as well as helping our fellowmen to build strong confidence within them. Ladies and gentlemen, making our brothers and sisters in land feel safe is not enough, we should also make them feel comfortable,” mababasa sa bahagi ng Facebook post ni Maravillo.
Noong Setyembre 2, matatandaang una nang tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang mahigpit na pagpapatupad sa DO 32, S. 2017 o ang Gender-Responsive Basic Education Policy sa pagsisimula ng kasalukuyang taong pang-akademiko.