BUGUEY, CAGAYAN -- Na-rescue ng isang lokal mangingisda ang juvenile dolphin (Pantropical Spotted Dolphin) sa baybayin ng munisipyong ito noong Setyembre 20 ng madaling araw.
Iniligtas ng mangingisda na si Randy Lunato ang nasabing dolphin nang mangingisda na ito. Nakita niya ang dolphin na nakabaon sa buhangin at mahina.
Agad itong naiulat sa Municipal Agriculture and Fisheries office ng LGU at sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources in Region 2 ( DA-BFAR 2) Marine Mammal Rescue Team.
Pinangasiwaan ng mga tauhan ng LGU at rescue team ng BFAR ang paglipat sa na-stranded na dolphin sa Buguey Brackishwater Technology Outreach Station sa Brgy. Minanga para sa rehabilitasyon at paggaling nito.
Sinabi ni Dr. Jefferson Soriano, Focal person sa Marine Mammal Stranding and Rescue Operation, na ang kanyang mga team ay nagsagawa na ng medical procedures upang matukoy ang sanhi ng pagka-stranded ng dolphin.