Nagtaas na rin ng presyo ng karne ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ng DA, tumaas ng₱10 ang bawat kilo ng karne nito batay na rin sa isinagawa nilang pag-iikot sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR) kamakailan.

Aminado ang ahensya na mas mataas ito kumpara sa₱180 na presyo nito kada kilo nitong nakalipas na linggo.

Isinisi naman ng mga meat vendor ang mataas na singil ng mga supplier.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Nauna nang inihayagngUnited Broiler Raisers Association na marami sa kanilang hanay ang hindi kaagad nakapag-harvest sa mga nakalipas na buwan dahil sa mababang farmgate price.

Humina rin umano ang demand kaya nagdesisyon ang mga producer na iimbak muna sa mga cold storage.