Ipinaramdam kaagad ng Converge FiberXers ang kanilang bagsik laban sa Terrafirma Dyip matapos padapain ang huli, 124-110, sa PBA Commissioner's Cup sa Philsports Arena nitong Biyernes.

Nagpakitang-gilas si Quincy Miller matapos makapagtalang double-double--38 puntos, 16 rebounds. Nakakubra naman ng 18 puntos ang team mate na si Maverick Ahanmisi.

Ito ang unang sabak ng bagong coach ng Converge na si Aldin Ayo na itinalagang hawakan ang koponan sa nakaraangoffseason.

Aa pagkatalo ng Dyip, nabalewala ang solidong performance ng import na si Lester Prosper na kumana ng 43 puntos at 25 rebounds.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Nauna nang sinabi ni Ayo na kahit kulang sila sa malalaking manlalaro, kaya pa ring makipagsabayan ng koponan sa malalakas na team.