Nagbigay na ng huling pahayag ang pamilya Galleno hinggil sa kaso ni Jovelyn matapos magtugma ang resulta ng eksaminasyon na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

BASAHIN: 99.99% confirmed ang DNA: Kalansay ng bangkay na natagpuan, kumpirmadong si Jovelyn Galleno

Sa isang Facebook post, nagpasalamat sila sa mga sumuporta at nagdasal sa kapakanan ni Jovelyn lalo na kung buhay pa ito.

"We do appreciate na halos lahat kayo ay umaasang buhay pa sya at naiintindihan namin kung di parin ninyo ma accept na wala na si Jovelyn Galleno since kanlansay nalang ang natagpuan, but experts has a good explanation and reason bakit naging kalansay nalang ang natira," anang pamilya Galleno.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dagdag pa nila, dapat lamang na galangin ng publiko ang resulta ng ginawang eksaminasyon ng awtoridad.

BASAHIN: Initial result ng DNA test na isinagawa ng NBI sa bungong natagpuan, positibong kay Jovelyn

Nagpasalamat rin sila sa PNP at hinayaan silang makakuha ng second opinion ng resulta ng deoxyribonucleic acid (DNA) test na isinagawa sa bungong natagpuan.

Humiling naman sila sa publiko na respetuhin ang resulta at tanggapin ang ito nang buo. Ito ay para na rin sa ikatatahimik ng kanilang pamilya.

Hinikayat rin nila ang publiko na maglaan ng panalangin para kay Jovelyn.

"… bagaman hindi naging katanggap-tanggap ang resulta but we believe na ginawa na ng Pnp at nbi ang wastong pag-iimbestiga."

Pasasalamat rin ang nais ipahatid ng pamilya sa local media na tumutok sa kaso ni Jovelyn.

"Ang huling kahilingan nalang namin ay buksan muli natin ang ating isipin, at tanggapin ang naging resulta sa nangyare, humihingi kami ng pang-unawa sa lahat," anang pamilya Galleno.

Mensahe nila sa publiko, "This would be the last and final statement from us the Galleno Family, we're praying for y'all na magkaron narin kayo ng acceptance at samahan kami sa pabangon. Muli kami nagpapasalamat sainyo, Godbless everyone, Hindi man natin maunawaan sa ngayon bakit nangyare to, pero maniwala tayong sinamahan tayo ng Diyos simula umpisa hanggang dulo."