Isang podcast episode ang inilaan ng celebrity couple Megan Young at Mikael Daez ukol sa patuloy nilang diskusyon sa pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng sariling anak.

Unang sumentro ang usapan sa hindi pagkakaroon ng mag-asawa ng sariling anak.

“My answer to those questions would be, if we have kids, then we have kids. If we don’t, we don’t. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life,” ani Megan ukol sa tanong na madalas din umanong matanggap mula sa mga kakilala o kaibigan.

Paglilinaw naman ng mag-asawa, hindi rin anila offensive ang nasabing “valid” na tanong.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I guess it’s not normal or it’s not like a common thing for couples to be like, ‘Yeah, we’re fine even if we don’t have kids.’ Usually, it’s like ‘Yeah we’re trying,’ or ‘Yeah we really want to have kids,’ or sometimes, ‘Maybe like in the next couple of years,'” dagdag na paliwanag ni Megan habang sunod na ipinunto na maaaring nakagugulantang na balita ang ideyang ayos lang para sa kanilang mag-asawa ang hindi pagkakaroon ng anak.

Siyam na taong magkarelasyon ang showbiz couple bago ikinasal noong 2020.

Para naman kay Mikael, na kay Megan pa rin umano ang huling pasya at nasa “go with the flow” stage sila ngayon kaugnay ng malaking desisyon.

“If ever there’s an oops and you get pregnant then okay great, that’s not a problem with us. But if we had a choice, then we’re kind of okay just coasting along living our life, and seeing what life throws at us,” ani Mikael.

Dahil aminado na masaya na siya sa kasalukuyang buhay nila ni Mikael, sunod naman na inamin ng beauty queen ang ilang personal na takot sa posibleng pagdadalang-tao.

Unang binanggit ni Megan ang health risks ng pagbunbuntis.

“My body change is something that I'm scared of because I don't know how my body will react to pregnancy,” dagdag ng beauty queen.

“I’m just scared of the unknown.”

Pagpapakalma naman ni Mikael sa asawa, “I just focus on what we can control because zooming out and looking at life, I try to live according to what I can control and not according to what I don’t control.”

Samantala, game naman ang couple para sumailalim sa isang parent compatibility test.

Sa huli, nanatiling walang buong desisyon ang mag-asawa ukol sa usapin, at bagkus ay parehong bukas ang mga ito sa anumang posibilidad.

Kung magdadalang-taon man si Megan, ani Mikael, “This year, sana ‘wag muna. We have a couple of things lined-up already.”

“We’re not not trying but we’re also not avoiding,” segunda ni Megan.

Sa huli, pareho namang bukas ang mag-asawa sa ideya ng adoption.