Tiniyak ng liderato ng Kamara na pagtitibayin nito sa pangatlo at pinal na pagbasa sa susunod na linggo ang panukalang ₱5.268- trillion National Budget para sa 2023 bago mag-break ang Kongreso sa Oktubre 1.
"Maaari kaming magtrabaho hanggang madaling-araw kung kinakailangan, we want to expedite the approval of the NEP (national expenditure program) so that we can also attend to other equallyimportant measures,” sabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.
“We have other priority billswhich we intend to pass during the 19th Congress (July 2022-June 2025),” dagdag pa nito.
Sinabi ni Dalipe na tuluy-tuloy naman ang pagtalakay at paghimay sa mga budget ng mga departament kung kaya umaasa siyang mapagtitibay ang pambansang budget sa tamang panahon.
Kung hindi aniya magkakaaberya o problema, tatapusin ng Kapulungan ang mga debate sa plenaryo at sisimulan agad ang period of amendments sa Setyembre 28.
"The House is committed to finish the sponsorship and floor debates by Wednesday next week (Sept. 28) and approve the budget on Sept. 30," ayon kay Dalipe.