Nagbigay ng weightlifting equipment sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Olympic gold medalist at ace weightlifter na si Hidilyn Diaz-Naranjo nitong Biyernes, Setyembre 23.

Si Diaz-Naranjo, isang staff sergeant ng Philippine Air Force (PAF), ay nagbahagi ng mga donasyon kay Maj. Gen. Adriano Perez, deputy chief of staff ng AFP for personnel, sa isang seremonya na ginanap sa Camp Aguinaldo sa Quezon City at sa pakikipagtulungan ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP). Kasama niya ang kanyang asawa at coach na si Julius Naranjo, at SWP President Monico Puentevella.

Kabilang sa mga donasyon ang mga set ng rubber bumper plates, rubber fractional plates, fractional plates, panlalaki at pambabaeng lifting bar, at plataporma.

“This new weightlifting equipment shall further enhance the fitness facilities of the General Headquarters and major service special service offices,” ani Perez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Hopefully, this endeavor shall pave the way for more Olympic medals courtesy of our soldier-athletes,” dagdag niya.

Sa pamamagitan ng mga donasyon, nagpahayag ng pagnanais sina Diaz-Naranjo at Puentevella na isama ang weightlifting sa pinagsamang AFP – Philippine National Police (PNP) – Philippine Coast Guard (PCG) Olympics, ang sarili nitong bersyon ng kinikilalang sporting event sa buong mundo.

Ang mga donasyon ay ipapamahagi sa AFP Office of the Special Service (OSPS) at sa mga special service units ng PAF, Philippine Navy (PN), at Philippine Army (PA).

Si Diaz ang unang Pinoy na nanalo ng Olympic gold medal noong 2020 Tokyo Olympics sa Japan.

Siya ay kasalukuyang nakatalaga sa PAF civil-military group na nakatalaga sa Villamor Air Base sa Pasay City. Siya ay nakapuwesto sa Detached Service kasama ang AFP OSPS at bahagi ng pambansang pool ng mga atleta sa ilalim ng pangangasiwa ng SWP.

Martin Sadongdong