Patay ang isang ginang matapos makulong sa nasusunog na inuupahang bahay sa Pasig City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasig City investigator Insp. Israel Jadormeo, ang nasawi na si Melanie Gonzales.

Ang bangkay ni Gonzales ay natagpuan sa banyo ng inuupahan nilang bahay sa Barangay Sta. Lucia.

"Sa tingin ko po may binalikan siya kasi tinawag siya ng anak ko, sabi ng anak ko, 'Labas na tayo, 'Ma.' Hindi na daw sumasagot, so nakita nila ngayon nasa loob ng CR. Palagay ko, kumuha ng tubig gusto niyang apulahin. Hindi na nakayanan siguro so na-suffocate na siya," pahayag ng asawa ni Gonzales na si Ernesto sa panayam sa telebisyon.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Idinahilan din nito na wala siya sa bahay nang maganap ang insidente dahil namamasada ito, kaya hindi na niya nailigtas ang asawa.

Sa paunang imbestigasyon, dakong 2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang bahagi ng sala ng inuupahang bahay ni Gonzales.

Matapos ang mahigit isang oras ay naapula rin ang sunog. Sinabi pa ni Jadormeo na iniimbestigahan pa nila ang insidente.