All-set na ang fan meet ng South Korean actress na si Park Eun Bin sa Pilipinas sa darating na Oktubre 23.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng kaniyang management na Namoo Actors sa isang pahayag.

“Following the passionate love of domestic fans, actress Park Eun-bin’s first Asian fan meeting tour will be held for overseas fans who have given a lot of reaction and interest,”anang pamunuan.

“As this is the first meeting with her overseas fans, we are preparing to create a page of precious memories. We ask for your affectionate interest and support for the upcoming performances,” dagdag nito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa SM North EDSA Skydome sa Quezon City nakatakdang maglunsad ng fan meet ang aktres.

Samantala, kasunod ng anunsyo, isang viral na komento ng netizen ang kinaaliwan sa social media nitong Huwebes.

“Pupunta daw dito sa Pinas si Atty. Woo Young Woo at s’ya daw magre-represent kay Vhing Navarro.”

Tila nasangkot pa sa kontrobersyal na kaso ang abogadang karakter na ginampanan ni Eun Bin dahilan para umani ito ng samu’t saring komento.

“Whales ba ang magpapop up o bangus?”

“Laya agad for sure!”

“Tapos sa dolomite lumalangoy yung whales!”

“Di pwede. Sasabit ang mga whales sa cable wires!

Tumabo sa mahigit 220,000 laughing reactions ang naturang komento na ibinahagi ng isang kilalang Korean content Facebook page.

Si Eun Bin ay lalong nakilala sa karakter ni “Woo Young Woo” sa “Extraordinary Attorney Woo,” isang espesyal na autistic lawyer.

Maliban dito, nakilala ang aktres sa mga patok ding Korean dramas kabilang ang “The King’s Affection,” “Do You Like Brahms,” “Hot Stove League,” bukod sa iba pa.