BAGUIO CITY -- Inaresto ng mga pulis ang tatlong regional drug at nasamsam ang pinaghihinalaang shabu na may halagang P51,600 sa magkahiwalay na buy-bust operation noong Martes, Setyembre 20.
Sinabi ni Baguio City Police chief Col. Glenn Lonogan na ang isa sa mga suspek na si Richard Cayanan Narbonita, 37, isang security guard, mula sa Pozzorubio, Pangasinan, at residente ng Brgy. San Antonio sa lungsod na ito, ay kabilang sa Top 10 Regional Top 10 Illegal Drug Personalities ngayong taon.
Sinabi ni Lonogan na matagal nang na-monitor ang suspek kaugnay ng iba't ibang drug personalities at sideline nitong pagbebenta ng iligal na droga dito at mga karatig na munisipyo.
Inaresto ng pulisya si Narbonita sa Guisad Central at nakuha sa kanya ang .35 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P3,312, dalawang improvised glass tooter na may latak ng hinihinalang dahon ng marijuana, buy-bust money, cellphone, boodle money, cellphone, boodle money, wallet, at iba't ibang ID.
Ang iba pang mga drug suspect na naaresto ay ang high value target na si Ival Olimpo Estavillo, 36, online seller, at ang kasama nitong si Michael Manalo Galano, 37, virtual assistant.
Narekober mula sa dalawang suspek sa Lower Magsaysay ang 7.11 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P48,348, dalawang improvised glass tooter na may residue ng hinihinalang dahon ng marijuana, buy-bust money, cellphone, motorsiklo at susi nito, at dalawang helmet.
Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at ang mga nasabat na iligal na droga ay dadalhin sa Baguio City Crime Laboratory Office para sa confirmatory test at qualitative examination.