SUBIC, ZAMBALES -- Arestado ang 11 drug personalities at dalawang drug den ang nabuwag sa magkahiwalay na anti-drug operations ng PDEA Zambales at ng lokal na pulisya rito.

Natapos ang unang operasyon sa Brgy. Calapacuan bandang 11:40 ng gabi ng Setyembre 22 na nagresulta sa pagkakasamsam ng 19 gramo ng shabu na may halagang P131,000, samu't saring drug paraphernalia at pagkakaaresto sa anim ng drug suspects.

Kinilala ang mga suspek na sina Alexander Aberia, 23, drug den maintainer, at residente ng Purok 3 Subic; Kimberly Quintino, Edgardo Montilla Jr., Mike Berto, Joven Domulot, at Martine Panganiban.

Dakong alas-2 ng umaga ng Setyembre 23, isa pang drug den ang nalansag sa Brgy. Matain na nagresulta sa pagkakasamsam ng 16 gramo na may tinatayang street value na P110,400, samu't saring drug paraphernalia, at pagkakaaresto ng limang suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga suspek ay sina Baby Dabon, 58, drug den maintainer; Lovie Ferreras, Harold dela Cruz, 22, Ruel Maninang, at Hanzel Silao.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.