Tila hindi nagustuhan ng mga sumusubaybay na netizen ang "constructive criticism" ng world-renowned Filipino fashion designer na si Rajo Laurel kay "Drag Race Philippines" contestant Eva La Queen, lalo na ang paggamit umano nito ng salitang "trash" o basura sa creation nito.

"I'm fierce because I know you can do better. I am being hard because I have seen what you can do. Then this is trash," aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/mascarayde/status/1572559179759620099

Nanatili namang kalmado si Eva at tinanggap nang buong puso ang mga komento ni Rajo. Ayon sa fashion designer, naniniwala siyang kayang-kaya pa ng mga kalahok, lalo na si Eva, na ilabas ang pinakamahusay niya, kaya ganito ang kaniyang mga komento sa kalahok.

Maging si Paolo ay tila hindi kinaya ang mga nasabing komento ni Rajo kay Eva at napa-"Ohhhh…"

Kaya naman sa kaniyang tweet nitong umaga ng Setyembre 22, pabirong sinabi ni Paolo na hahantingin niya si Rajo para paluin.

"Mag-Eat Bulaga muna ako at maghanap ng prisinto mga queen ang ina n'yo late na 'ko! 😅 Hanapin ko pa pala pamalo ko… Paluin ko si Rajo✌🏼😝 emz labyu Rajo😘," tweet ni Paolo.

https://twitter.com/pochoy_29/status/1572780172369342466

Samantala, nag-tweet naman ng kaniyang reaksiyon si Rajo matapos siyang maging trending, at upang ipaliwanag naman ang kaniyang panig.

"My judgments on @dragraceph will always stem from a place of Love! It will never come from being hurtful, mean nor evil, I only want the BEST from our queens, the best from the Philippines! #dragraceph," aniya sa kaniyang tweet nitong Setyembre 21, 2022.

https://twitter.com/rajolaurel/status/1572575450857353216

Samantala, may mga netizen naman na nagtanggol kay Rajo sa paraan niya ng pagbibigay ng kritisismo, dahil syempre, dapat tumataas umano ang standard sa mga ganitong uri ng patimpalak, lalo't franchise ito sa ibang bansa.