Humihirit na rin ng ₱1 na dagdag-pasahe ang mga driver ng UV Express sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Isinagawa ng Alliance of UV Express Association of the Philippines (UVEAP) ang hakbang matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas ng pasahe sa jeep, taxi, at transport network vehicle service kamakailan.

"'Yung krudo po kasi natin talagang hindi na po makaya nung ating mga operators, drivers so we decided na at least humingi ng rasonable na increase po,” paliwanag ni UVEAP secretary-general George Jalandoni sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.

Naibalik na aniya ang halos lahat ng kanilang mga pre-pandemic na ruta. Gayunman,hindi pa umano bumabalik ang dating dami ng mga pasahero.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Mga medyo may limitations pa rin po doon, hindi pa rin po nakababalik sa pre-pandemic level 'yung dami ng mananakay,” banggit pa ni Jalandoni.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng LTFRB na hihimayin pa nila nang husto ang petisyon ng grupo.