Nasa 1.46 milyon na ang turistang pumasok sa bansa na mas mataas kumpara sa naitala bago magsimula ang pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) noong 2020.
Sa pahayag ng Department of Tourism (DOT), mula Pebrero hanggang Setyembre 20 ay lagpas na sa 1.46 milyon ang dumating na mga turista na mahigit pa sa 1.4 milyong pumasok sa Pilipinas noong 2020.
Inihayag ng DOT, malayo ito sa 164,000 na mga turista na dumating sa bansa noong nakalipas na taon dahil sa paghihigpit na ipinatupad.
Paliwanag ng ahensya, hangad nilang maabot at malagpasan pa ang 8.3 milyong tourist arrival na naitala noong taong 2019.
Ang bilang na ito, ayon sa kagawaran, ay record breaking o ang pinakamaraming pumasok na turista sa Pilipinas bago tumama sa mundo ang pandemya.