Nagrereklamo na ang grupo ng magbababoy dahil nalulugi na sila bunsod ng pagpasok sa bansa ng imported na karne.
"Nagtitiis po kami, these past 2 months po talagang below cost po yung binebenta naming farm market price. Ang inaasahan na lang po namin na sana pagdating ng itong Oktubre hanggang December eh makabawi po sana kami sa aming lugi these past 2 months,” reklamo ni National Federation of Hog Farmers, Inc. chairman Chester Warren Tan, nang kapanayamin sa telebisyon nitong Huwebes.
“Bumaba po kasi ang presyo dahil po sa dagsa ng imported, kaya ang hiling lang po namin maibalik lang po doon sa dating presyo na hindi naman masyadong mataas para po hindi apektado ang ating consumer sa wet market,” aniya.
Kaugnay nito, nanawagan din sa gobyerno ang grupo upang matulungan silang mapababa ang gastos nila sa pag-aalaga ng baboy upang mapababa pa rin ang presyo ng produkto sa merkado.
“Talagang napakamahal po ng ating inputs. Ang hiling po nga namin, sana 'yung mga inputs natin ay mura maparating nang ating gobyerno, ehmabebentarin po namin nang mura 'yung ating karne,” sabi nito.