Tutol si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Luie Guia sa panukalang ipagpaliban ang Barangay, Sangguniang Kabataan (BSK) elections na dating itinakda sa Disyembre 5.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Guia na matagal nang pinaghandaan ng Comelec ang naturang eleksyon.

"This is barangay elections. This is where people can feel governance the most, especially during the pandemic. So, why deprive them of the opportunity to evaluate the performance of their elected barangay officials?" pagbibigay-diin ni Guia.

Makasasagabal lamang aniya sa paghahanda ng Comelec ang mungkahing iurong muna ang halalan.

"It is difficult for us to decide whether to continue spending money and continue preparing for the election knowing probably it might get postponed.So, this is a decision that's very difficult for an election management body to make because the Comeleccan not slackenedin its effort," paglalahad ni Guia.

Aniya, kung mayroong planong ipagpaliban ang BSK elections, dapat noon pa ito ginawa.

Huling idinaos ang BSK elections noong Mayo 2018 at ang nakatakdang halalan noong Mayo 2020 ay iniurong sa Disyembre 5, 2022.

Nitong Martes, inaprubahan na ng mga kongresista ang panukalang i-postpone ang eleksyon ngayong taon.