Tila may patutsada si Atty. Chel Diokno sa naging pahayag ni Senador Imee Marcos sa unang episodeng seryeng “Kalimutan Mo Kaya" ng VinCentiments na inilabas noong Miyerkules, Setyembre 21, ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.

"Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba. Nakakapangit ng inyong paghuhugas-kamay. Tingnan mo, nakapahamak ka na," tweet ni Diokno nitong Huwebes, Setyembre 22, kasama ang isang quote card ni Marcos.

"Tama, hindi madaling makalimot. Pero madali namang magbayad ng tamang buwis at magpakita ng katiting na pagsisisi. Mas mabilis gumaling ang sugat pag ginagamot," dagdag pa nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1572839220934496257

Sa unang episode ng“Kalimutan Mo Kaya,"nagsilbing host at love guru ang senador sa isang sender na may kinahaharap na problema sa karelasyon.

Bago nito, ang bungad ng senador, “Tama na sa galit. Sobra na. Sobrang sakit na sa lahat. #JustForget. Just forget the hate and revenge. Love and forgive.”

Dito sunod na binasa ng senador ang liham ng sender na humihingi rin ng payo matapos mabiktima ng nagtataksil na karelasyon.

“Simple lang. Kalimutan mo kaya. Hiwalayan mo. Kahit mahirap! Gaya ng sabi mo, sapat ang ganda mo! ‘E di magpaganda ka pa. Nakakapangit ang galit!” saad na payo agad ng mambabatas.

“Tignan mo, napahamak ka pa. Nandamay ka pa ng wala namang kasalanan sayo. Ganun kasi kapag puro nakaraan, nawawalan ka ng kinabukasan,” dagdag nito.

“Sa love, ang pain hindi mo maiiwasan pero yung pagdurusa choice mo ‘yan. Makipaghiwalay ka kahit mahal mo pa. Mahirap pero kaya. Hindi mo ikamamatay ang pagsuko, ang pag-move-on o ang pagpapalaya.”

“Saka ka na magpatawad ‘pag handa ka na. Hindi rin madali ang makalimot pero sabi nga mas mabilis gumaling ang sugat kapag hindi kinakalikot.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/21/love-guru-marcos-sa-pinakabagong-online-serye-saka-ka-na-magpatawad-pag-handa-ka-na/

Samantala, bago ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa, may storytime si Diokno tungkol sa karanasan nila sa ilalim ng Martial Law noong 1972.

“Storytime mga anak. Siguro alam n’yo na ngayon na ‘yung nangyari doon sa dad ko [noong] September 23, 1972. Inaresto siya na walang kasong kriminal laban sa kanya, walang warrant of arrest. Talagang bumaliktad ‘yung mundo namin noon,” panimula ni Diokno.

“We have to even suffer in the indignity of having to be strip naked tuwing dumadalaw kami sa dad ko so talagang hindi makatao at hindi makatarungan ‘yung experience namin noong Batas Militar,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/20/chel-diokno-may-storytime-ukol-sa-martial-law-hindi-makatarungan-yung-experience-namin-noon/