Umabot na sa 64 ang mga bagon o light rail vehicles (LRVs) ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na naayos at bumibiyahe na ngayon.

Ito'y matapos na madagdagan pa ng isa noong Setyembre 16.

Sa paabiso ng MRT-3 sa kanilang Facebook page nitong Huwebes, Setyembre 22, nabatid na sa kabuuan ay walo na lamang sa 72 bagon ng MRT-3 ang naka-iskedyul na aayusin ng maintenance provider ng rail line na Sumitomo-MHI-TESP.

Anang MRT-3, sa proseso ng pag-aayos, pinapalitan ng bago ang mga lumang piyesa ng bagon. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dumaraan din anila ang mga ito sa serye ng quality tests at simulation runs upang masiguro ang kaayusan nito.

Nais rin umano nilang ma-garantiyahang ligtas ibiyahe sa revenue line ang mga ito para sa kapakanan ng mga train commuters.