Nakakumpiska na naman ang mga awtoridad ng₱700,000 na halaga ng puslit na sigarilyo sa Zamboanga City nitong Huwebes na ikinaaresto ng dalawang suspek.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sinaBaning Salih, 42, at Brazil Muhis Djahirin, 38.

Sa pahayag ni Zamboanga City Police chief, Col. Alexander Lorenzo, sina Salih at Djahitin ay dinakip ng mga tauhan ng pulisya at Bureau of Customs (BOC) sa Sitio Talungon, Barangay San Roque, dakong 6:00 ng umaga.

Hinarang aniya ng mga tauhan nito ang isang puting van kung saan lulan ang kargamento.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Nasamsam sa sasakyan ang 20 kahon ng sigarilyo na walang kaukulang papeles.

Nitong nakaraang Martes, nakasamsam din ang mga awtoridad ng ₱1.2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo at nasundan pa ito nitong Miyerkules, Setyembre 21 kung saan umabot naman sa ₱1 milyong halaga nito ang naharang sa Brgy. Maasin.

PNA