Nagpakawala ng tweet ang spokesperson ni dating Vice President Leni Robredo, UP professor, dating kongresista, at human rights lawyer na si Atty. Barry Gutierrez, para sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong dekada 70, ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Ayon kay Gutierrez, hindi raw basta-basta malilimutan ang nakalipas, lalo't hindi pa dapat mag-move on kung hindi pa nakukuha ang hustisya para sa mga biktima ng Martial Law.

"I want him to do well. Too many will suffer otherwise. But whatever good he does now does not erase the need to account for past crimes."

"Especially when they still continue to deny, while benefitting from, those crimes. Without justice we cannot move on," ayon sa tweet ni Gutierrez.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ginamit niya ang hashtags na "#NeverForget" at "#NeverAgain".

https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1572395208620507136?fbclid=IwAR01DIBUshslz5O6xw0KAdMZP9ON1FopYvZTCF2k2Gey9hTZTZ4quKodRdk