Tumaas na ang presyo ng mga Noche Buena product sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ru9tg Castelo, natuklasan nila ito sa isinagawang special price and monitoring ng kagawaran sa tatlong supermarket sa Malabon.

Naglalaro aniya sa ₱5 hanggang ₱56 ang itinaas ng ilang items.

Kabilang sa mga ito ang all purpose cream na nasa ₱8 hanggang ₱18; nasa ₱5 hanggang ₱8 ang itinaas sa presyo ng pasta; ang keso ay nasa ₱6 hanggang ₱15; ang mayonnaise ay tumaas mula ₱25 hanggang ₱56 at ang ham na nasa ₱25 hanggang ₱45.

Sinabi ni Castelo na simula sa Oktubre ay asahan nang bugso ang taas presyo ng mga produkto dahil sa holiday season.

"Nasa 20 brand na po ng mga produktong pang noche buena ang nag abiso sa amin na magtataas sila ng presyo sa pagpasok ng Oktubre," pahayag pa ng opisyal.