May pahayag si dating Senador Kiko Pangilinan kaugnay sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong dekada 70.

"Karahasan na dulot ng batas militar,

Hindi dapat kalimutan.

Ang mga dugong dumanak,

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mga buhay na ninakaw,

Ang kawalan ng hustisya,

At mga karapatang tinapak-tapakan,

Magsilbing paalala sa bawat isa,

Na ang pag-abuso sa katungkulan ay kapangyarihang dapat wakasan,

dahil ang nakasaalang-alang dito ay ang ating kalayaan.

Dapat walang lugar ang dahas, dito sa ating bayan," aniya sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Setyembre 21.

Saad pa ng dating senador na hindi raw kailanman magiging selebrasyon ang araw ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa habang winasak at naglupasay raw ang ekonomiya.

"Ang araw na dineklara ang batas militar ay hindi magiging selebrasyon kailanman. Habang winasak at naglupasay ang ekonomiya na nauwi sa milyon-milyon na ginugutom, yumaman naman ng husto ang diktador, pamilya nito at mga crony nito sa pagkamkam ng kaban ng bayan. Hindi kailanman magiging selebrasyon ang araw na nagdala sa kalbaryo ng maraming Pilipino," aniya.

"Panawagan ito sa bawat isa na maging boses ng ating mga kababayang pinatahimik sa pinakakarumal-dumal na paraan. Huwag nating hayaang matabunan ng ingay ng kasinungalingan ang sigaw ng pighati ng mga biktima na siyang dapat nating pinapanigan. Magsaliksik, at huwag basta manatili sa isang panig lamang. Kwento ito ng mga taong binura sa mapa, at hanggang ngayo’y tumatangis para sa hustisya," paglalahad pa niya.

"Tumindig ka, at maging boses ng lahat na mga Pilipino na hangad ang katotohanan at katarungan!"

Mayroon din itong mga hashtag na #NeverAgain #NeverForget.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/09/21/without-justice-we-cannot-move-on-atty-barry-gutierrez-nag-tweet-patungkol-sa-martial-law/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/21/without-justice-we-cannot-move-on-atty-barry-gutierrez-nag-tweet-patungkol-sa-martial-law/