Emosyonal na humarap sa midya ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista kasunod ng pagkadetine ng asawa dahil sa isinampang kasong rape ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa unang pagkakataon nitong Miyekules, nagbahagi ng saloobin ang misis ni Vhong ukol sa naramdaman ng pamilya sa pag-usad ng kaso laban sa asawa.

Anang misis, napakasakit ang aniya’y pinakamahabang dalawang na kailangan indahin ng pamilya.

“P*tcha, patapos na ‘to. ‘Di ko alam paano nila patutunayan ‘tong sinasabi nila. And then suddenly, may reverse,” emosyonal na saad ni Bautista sa ilang press members.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pag-amin ng asawa, inakala rin nilang tuluyan nang maisasara ang kaso habang inilahad na hindi rin sila handa sa kasalukuyang sitwasyon ni Vhong.

Basahin: Kampo ni Vhong Navarro, umaapela sa korte na makapagpiyansa sa kasong rape – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, buo ang loob ng kanilang panig para ilaban ang karapatan ni Vhong na makag-bail kahit na non-bailable ang kaso.

“Bakit kasi may rape?”

“Lahat ng ebidensya ibinigay namin. Consistent si Vhong sa kuwento niya since day one,” ani Tanya.

“So hindi ko alam kung anong nakikita nilang probable cause.”

Natatakot din ang misis sa hiling ng kampo ni Deniece na ilipat sa Taguig City Jail ang inihahablang host na kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Of course, that’s very scary kasi threat ‘yun sa buhay niya,” saad ni Tanya.

“Right now, ang worry ko ay ‘yong security for Vhong, 'yon na lang, nandito na kami so lalaban kami. At Alam ko mapapanalo natin ‘to but for the mean time, at least yong security niya. Natatakot ako for him ‘pag nailipat siya sa Taguig,” dagdag niya.

Bagaman positibo, inamin ng misis na sinusubukan pa rin niyang maging malakas para sa asawa habang pinasalamatan ang mga bumuhos na suporta para kay Vhong.

Kamakailan lang, ipinagdiwang ni Vhong at Tanya ay kanilang ikatlong wedding anniversary at ika-14 taong magkarelasyon.

Samantala, natanong din ng midya si Tanya kung may ideya siya sa posible umanong “backer” ng kabilang kampo dahilan ng pag-usad ng kaso laban sa asawa.

“I do. We have. Pero parang hindi ko naman masasabi ‘yun. Right now, siguro mas marami pang mase-share yung legal team sa akin,” anang misis.

“We suddenly feel attacked na parang wala kaming kalaban-laban kasi nga, ‘San galing?’” dagdag niya.

Umaasa naman si Tanya na walang kinalaman ang kasalukuyang political climate at sa pagpasok ng bagong administrasyon sa daloy ng kaso ng asawa.

“I hope wala. That would be very sad. I hope wala. Personal ‘tong issue, may galit… ‘di ko alam so dun lang. Sana ‘di ganon.”

Lalo pang naging emosyonal si Tanya nang hingan ng mensahe para sa kampo ni Deniece.

“Gusto ko naman sabihin na alam nila ang totoo. Sa akin may kasalanan si Vhong. Inamin niya nun, mula noon so sa akin siya may atraso. Pinatawad ko ‘yung tao and for the last eight years bumabawi siya. We got married,” ani Tanya.

Basahin: ‘He can’t hide anymore!’ Cedric Lee, nag-react sa muling paglutang ng mga kaso ni Vhong Navarro – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nagbigay ng reaksyon si Cedric Leesa kinahaharap na kaso ni Vhong.

Aniya, kailangan nang harapin ni Vhong ang mga kasong inihain laban sa kaniya.