Hindi umano mananahimik at magpapatawad ang 70th FAMAS Best Supporting Actor para sa pelikulang "Katips" na si Johnrey Rivas sa mga "taong hindi man lamang humingi ng tawad" o "nagpakumbaba" na bagkus gawin ito, ay nililihis at binabaho (o binabago) ang kasaysayan.

Sinimulan ni Rivas ang kaniyang Facebook post ngayong Miyerkules, Setyembre 21, sa kaniyang naging diyalogo sa pelikula. Gumanap siya sa pelikula bilang binatang naging biktima ng Martial Law.

"Sa gitna ng gabi hinubaran ako, binuhusan ng tubig na nagyeyelo, sa takot ko'y naihi ako, sinikmuraan, sinampal at sinako, kinuryente ang bay*g ko, kuryente umakyat hanggang ulo, sumuka ng dugo, gumuho ang mundo, nakuryente rin ang pangarap ko! - Art Lansang (KATIPS, Lyrics by: Vince Tanada) đźš©

"Hinding hindi ko makakalimutan na hinubad ko nang literal ang aking buong pagkatao para sa pagganap sa isang binata na biktima ng BATAS MILITAR…"

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"Malupit, karumal-dumal ang sinapit ng isang inosenteng binata na napahamak lamang dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan."

"Hindi tayo mananahimik at magpapatawad sa mga taong ni hindi man lang humingi o nagpakumbaba o di kaya naman ayaw pakawalan ang salitang 'PATAWAD', bagkus pilit pang nililihis at binabaho (o binabago) ang kasaysayan."

Ginamit ni Rivas ang mga hashtags na "#neveragain", "#neverforget", at "#NeverAgainToMartialLaw".