Magpepetisyon umano sa korte ang legal counsel ni "It's Showtime" host Vhong Navarro upang makapagpiyansa ito at pansamantalang makalaya sa kasong rape na isinampa sa kaniya ng modelong si Deniece Cornejo.

Matatandaang kusang sumuko sa National Bureau of Investigation ang TV host-comedian-dancer sa kasong "act of lasciviousness" na isinampa rin sa kaniya ni Deniece at nagbayad ng piyansang ₱36,000 noong Setyembre 19 upang pansamantalang makalaya, subalit hindi naman inaasahan ang paglabas ng warrant of arrest para sa kasong rape, na non-bailable.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Giit naman ng kampo ni Deniece, marapat umanong ilipat sa Taguig City Jail ang TV host-actor.

Nag-ugat ang kaso nang tangkain umanong gahasain ni Navarro si Cornejo sa loob ng inuupahang condominium unit sa Bonifacio Global City noong Enero 22, 2014.

Naibasura na ito ng korte ngunit ngayong 2022, napagdesisyunan ng Court of Appeals (CA) na nararapat sampahan ng kaso si Navarro, at binaligtad ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) tungkol dito.