Binisita ng “Goblin” at “Descendants of the Sun” producers ang tanggapan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval nitong Martes, Setyembre 20.

Sa Facebook post ng alkalde, ilang bigating Korean producers ang makikitang sumadya sa kaniyang tanggapan para sa isang “exciting courtesy call.”

Kabilang sa mga nakadaupan ng alkalde ang mga malalaking producers ng sikat na Korean dramas hindi lang sa South Korea kundi maging sa Pilipinas.

Naging oportunidad naman para kay Sandoval na ilibot sa makasaysayang lungsod ang mga banyagang producer.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa mga larawang ibinahagi ng alkalde, makikitang binisita ng grupo ang tanyag na Bartolome Church.

Ipinatikim din sa Korean visitors ang sikat na Pancit Malabon, Crispy Pata, at bukod sa iba pang kilalang kakanin sa lungsod.

Bitbit naman ng mga bisita ang ilang K-pop merchandise para sa tanggapan ni Sandoval.

K-drama soon in Malabon?

Hindi pa man kumpirmado ngunit excited na ang ilang Korean drama fans sa nasabing posibilidad.

Ilang Korean drama series na rin ang nakaraang kinunan sa Pilipinas kabilang ang 2020 film lang na "Forest" na pinagbidahan nina Park Hae Jin, Jo Bo Ah at Jung Yeon Yoo.

Bukod dito, ilang kilalang malalaking Korean personality na rin ang naunang nag-shoot sa Pilipinas para sa ilan pang Korean pojects kabilang na sina Lee Jong Suk at Seo In Guk para sa sport film na “No Breathing” noong 2013.