Nakarating sa kaalaman ng direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap ang ginawang mural ng grupong "Bayan" para sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa Pilipinas, na ginugunita ngayong Setyembre 21, 2022.

Ibinahagi ni Yap ang screengrab ng pahayagan kung saan ibinalita ang mural na "Kalahating Siglo ng Daluyong" na ididisplay umano sa Martial Law Cultural Event sa UP Diliman ngayong Miyerkules, para sa anibersaryo ng Martial Law.

Naispatan ni Yap ang tila karakter na nakaupo sa director's seat, sa likod nito ay may nakalagay na "Direkted", at may hawak na tila iskrip na ang nakasulat ay ang titulo ng pelikula.

Aniya, hindi na raw epektibo ngayon ang mga ganitong uri, na maituturing na lamang na isang "coloring book" ng kathang-isip.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"Parang kunwari ako 'yun ah. Hangkyot," saad ni Yap.

"Noon, epektib pa ito. Ngayon, isa na lang coloring book ng kathang-isip."

Ginamit ng direktor ang hashtags na "#justFORGET" at "#AGAINandAGAIN".

Mamayang 12:00 ng tanghali, eere na ang "Kalimutan Mo Kaya" na pumapatungkol sa Martial Law.

"Wag n'yo po palampasin ang Unang Episode!" himok ni Yap sa mga netizen na panoorin ito.