Naghahanda na ngayon ang Bureau of Customs (BOC) para sa pagdagsa ng mga package lalo na ng mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na nakipagpulong na ang Port of Ninoy Aquino International Airport sa mga operator ng Partner Customs Facility and Warehouse (CFW) para paghandaan ang pagdagsa ng mga papasok na parcels, packages.

Para sa bahagi ni BOC NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, nakipagpulong na ito sa mga opisyal ng DHL upang talakayin ang mga kaayusan para sa mabilis na pagpapalabas ng malalaking bulto ng maliliit na parcel na darating ngayong 'ber' na mga buwan.

Dumalo din sa miting sina DHL Express Philippines Country Manager Nigel Lockett, Head of Operations Promod George , Customs Clearance Manager Cecilia Paras, at iba pang hepe ng BOC NAIA.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Tiniyak ng DHL na nire-review nila ang kanilang roster para magdagdag ng mga tauhan at patuloy na makikipag-ugnayan sa BOC NAIA para sa maagap at agarang pagproseso at pagpapalabas ng mga pag-import ng regalo mula sa ibang bansa.

Sinabi ni Talusan na handa ang BOC NAIA at nagsagawa na ng mga proactive na hakbang upang matugunan ang mga inaasahang isyu at alalahanin, kabilang ngunit hindi limitado sa pagpapatupad ng pinahabang oras ng trabaho, 24/7 x-ray examinations, regular na inspeksyon ng K9, at pinabilis na clearance upang maiwasan ang mga pagkaantala.

Aaron Recuenco