KAMPO HEN. PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna - Inaresto ng pulisya ang isang artista sa telebisyon at pelikula dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, sa Biñan City, Laguna nitong Martes.
Kinilala ni Laguna Police Provincial director Col. Randy Glenn Silvio, ang akusado na si Conrado Manuel Ambrosio II, mas kilala bilang Dindo Arroyo, 61, at taga-Biñan City.
Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Biñan City Police Station batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni Sta. RosaCity Regional Trial Court (RTC) Branch 101 JudgeRosauro Angelito Sicat David, nitongSetyembre 15, 2022, sabahay nito sa lungsod.
Hindi na idinetalye ng pulisya ng detalye ang kasong nilabag ni Arroyo na nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Biñan City.
Nilinaw ni Silvio na inirekomenda na ng korte ang piyansang₱10,000 para sa pansamantalang kalayaan nito sa kaso.