Kasabay nang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa may 489 pamilyang nasunugan kamakailan sa Maynila, nanawagan din sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo-Nieto sa mga biktima ng sunog na huwag mawalan ng pag-asa dahil naririyan ang pamahalaang lungsod upang sumuporta sa kanila.

Nabatid na isinagawa nina Lacuna at Servo ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga nasunugang pamilya sa Manila City Hall nitong Martes, katuwang ang mga kawani ng Manila Department of Social Welfare, na pinamumunuan naman ni Re Fugoso.

Kabilang sa mga tumanggap ng tulong pinansyal ay mula sa mga nasunugang pamilya simula pa noong buwan ng Hunyo hanggang sa kasalukuyan.

Bawat pamilyang nasunugan at nabibilang sa iba't-ibang distrito ng Maynila ay tumanggap ng halagang P10,000 bawat isa.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ayon kay Fugoso, ang kabuuang halaga na naipamigay ay umabot sa P4,896,000.

Nabatid na ang ilang mga biktima ng sunog ay ngayon lang nabigyan ng tulong pinansyal dahil ang distribution ng financial aid ay sakop pa ng election ban.

Kaugnay nito, nanawagan rin si Lacuna sa mga residente na mag-ingat dahil mataas ang insidente ng sunog ngayon sa lungsod nitong mga nakaraang buwan.

“Sana po wag na kayo maging biktima muli ng anumang kalamidad.Pero kung mangyari man po, asahan ninyo narito kami bilang kaagapay ninyo,” ayon pa kay Lacuna.

Sa kanyang panig, pinaalalahanan naman ni Servo ang mga biktima ng sunog na maging matatag at patuloy na manalangin kasabay ng pasasalamat niya sa mga itosa suportang ipinagkaloob sa dito sae Asenso Manileño party na naging dahilan ng kanilang malaking tagumpay sa nakaraang eleksyon.