Humihirit na ngayon ang grupo ng mga taxi operator sa bansa na gawing ₱60 ang kanilang flag-down rate dahil na rin sa patuloy pagtaas ng produktong petrolyo.
Paliwanag ni Philippine National Taxi Operators Association President Jesus Manuel Suntay, dapat nang payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtaas ng flag-down rate ang kanilang grupo dahil nahihirapan na ring kumita ang mga driver at operator sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng petroleum products sa bansa.
Banggit ng grupo, hindi sapat ang dati nang inaprubahan ng LTFRB na ₱5 na dagdag sa kanilang flag-down rate.
“Tumaas ng₱30 kada litro ang presyo ng gasolina. At an average of 40 liters a day,₱1,200 ang nadagdag sa gastusin ng mga drayber. Ang ibinigayay₱100 lang. Ang magiging suma, abonado pa ng₱1,100 ‘yung mga drayber,” sabi ni Suntay sa isang panayam.
“Walang tulong ang P5 na flag-down rate,” aniya.
"Sa amin naman, ayaw talaga naming mag-file ng petition for fare increase kung hindi talaga kailangan… kaya lang, talagang dumoble ang presyo ng gasolina. Kung mapapansinniyorin, while sa jeep at sa bus, ‘yung succeeding kilometers nadagdagan, sa taxi, wala eh, flag-down rate lang talaga ang dinagdag,” sabi pa nito.