Mag-move on na tayo.

Ito ang hiling ni Senator Robinhood C. Padilla habang inaalala ng bansa ang deklarasyon ng martial law ni yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. noong Setyembre 21, 1972.

Ang kampo ng anti-Marcos ay patuloy na nagpapahayag ng kanilang hinagpis habang libu-libo ang namatay, pinahirapan, kinidnap o nawala, at sinasabing ang pamilya Marcos ay may bilyun-bilyong pisong halaga ng nakatagong yaman.

Sinabi ni Padilla, isang aktor at producer, na humingi na ng tawad ang pamilya Marcos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

‘’Para sa akin mag-move on na tayo mga anak,” aniya.

‘’Kung may kasalanan man ang ating dating Pangulong Marcos Sr. hindi po kasalanan ng anak yun, wag po tayong ganun,” dagdag ng senador.

Ang anak na tinutukoy ang ngayong Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Padilla, isang Muslim, maging ang mga pananampalatayang Muslim at Katoliko ay naniniwala na ang kasalanan ni Adan ay hindi natin kasalanan.

"Ako mismo personally pag hindi tayo nakaalis dyan sa marcos issue na yan at martial law issue na yan…” dagdag niya.

Mario Casayuran