Hindi maaaring maningil ng dagdag na pasahe ang mga pampublikong sasakyan kapag wala itong nakapaskil na fare matrix.

Iginiit ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa gitna ng inaasahang pagtaas ng pamasahe simula sa October 3, 2022.

Kabilang sa mga tinutukoy na pampublikong sasakyan na magtataas ng singil sa pamasahe ay ang traditional modern  jeepney, pampasaherong bus, taxi at TNVS.

Ayon sa LTFRB, dapat na nakikita ng mga pasahero ang fare matrix sa kanilang pagsakay upang matiyak na tama ang singil sa kanila.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Dapat din sumunod ang mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan sa mga alituntunin ng kanilang prangkisa. Maaari namang ireklamo ng mga pasahero kung lalabag sa alituntunin ang kanilang sinasakyan.