Mula sa pagpapatayo ng animal shelter hanggang sa paggastos ng nasa P70,000 kada buwan para sa kaniyang nasa 70 rescued cats, and dogs, kinilala kamakailan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang dedikasyon ni Jona para sa matagal nang adbokasiya.

Sa isang Facebook post kamakailan, itinampok ng PAWS ang sikat na singer na isa sa mga kilalang Pinay celebrities na malapit sa mga lokal na aso at pusa.

“Jona’s love for animals has led her not only to adopting from and supporting PAWS, but she has also been rescuing animals on her own. In fact, she already built a mini-shelter in Rizal to house all her rescued cats and dogs,” mababasa sa post ng PAWS kamakailan.

Basahin: Jona Viray, nagpatayo ng animal shelter para sa kanyang higit 70 rescued cats and dogs – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Jona says she had to learn a lot about properly taking care of her wards and being a responsible pet owner which included spaying and neutering them.,” dagdag ng PAWS.

Sa nakaraang panayam ni Jona, sinabi nitong mas lalong naging malapit at hands-on siya sa kaniyang rescued animals nang pumutok ang pandemya na naging dahilan din ng kaniyang halos isang taong pamamahinga sa showbiz mula 2021 hanggang unang quarter ng 2022.

Kasalukuyan ding single ang singer para matutukuan ang kaniyang mga alagang aso at pusa.

Basahin: Fur babies o love life? Jona Viray, kebs kahit single, mas pinili ang higit 70 pet rescues – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ang pinagtuunan ko talaga ang mga rescues naming, mga pet rescues po,” saad ni Jona sa isang panayam kamakailan sa ilan taon na niyang pagkupkop sa mga inabandonang hayop sa lansangan.

Pag-amin ng award-winning singer, umaabot sa P70,000 ang inilalaan niyang budget para sa kaniyang rescues.

“Jona’s dedication to animals is obvious, she views it as her calling as well. And her pets like aspin Golden, have returned it tenfold, continuing to give her unconditional love and bringing joy to her life!” saad ng PAWS.

Kaisa rin si Jona sa adbokasiya ng PAWS na “Adopt, don’t shop.”