Isang drug suspect ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng aabot sa ₱6.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Pasig City nitong Martes ng madaling araw.

(Pasig CPS)

Ang suspek ay nakilalang si Jhun Lawrence Lao, 18, alyas ‘Payat,’ isang newly identified na High Value Individual (HVI), at residente ng 95 Villa Monique, Phase 1, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Batay sa ulat na natanggap ni Pasig City Police OIC PCOL Celerino Sacro Jr., ang suspek ay naaresto dakong alas-3:15 ng madaling araw sa isang joint drug bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLT Kenny Khamar Khayad; Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) sa pamumuno ni PSSg Ferdinand Punzalan; Special Weapon and Tactics (SWAT) sa pangunguna ni PSMS Christian Gotera at Sub-Station 5 personnel sa pangunguna ni PLT Julius Tallongan.

Nabatid na bago ang pag-aresto, nakatanggap ng tip ang mga alagad ng batas hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t tinarget ito sa buy-bust operation.

Nakumpiska mula sa suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon, isang kulay brown na pouch bag, digital weighing scale, 10 piraso ng knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang sa 917 gramo ng shabu na may standard drug price na ₱6,235,600.

Ang suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, pinuri naman ni PCOL Sacro ang mga tauhan sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek.

“Illegal Drugs have greater impact on the voluminous crimes all over the world, the arrest of a high value individual drug suspect in Pasig City manifest the PNPs strong commitment and dedication against the proliferation of illegal drugs activities in our area of responsibility,” aniya.