Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang tila "patutsada" ng singer-comedian na si Janno Gibbs tungkol sa isyu ng "confidential", na bagama't wala namang tinukoy, ay tila parinig daw sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Idinaan sa biro ni Janno ang kaniyang umano'y pahaging, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post noong Setyembre 15, 2022.
"Pag nag-withdraw ako ng 100K sa bangko at tinanong ako ni misis, 'Para saan 'yan?' At sinagot ko ng 'confidential' basag ang mukha ko!" aniya.
Nag-react naman dito ang ilan sa mga kasamahang celebrity gaya nina Aiko Melendez, Sam Gogna, at Maui Taylor.
Ilan naman sa mga netizen ang iniugnay ito sa usaping politika.
"Oh the best analogy!"
"HAHAHAHAHA SANA ALL MALAKI ANG BUDGET, SIR JANNO NO!"
"Ok lng po 'yan Sir may nakaabang naman na chopper after mag-withdraw ng confidential si mister."
"Ang daming tumatawa…alam kaya nila "hidden meaning" ng post mo? To think na supporters sila, ha? Qou vadis, Philippines?"
"Para mas professional, ang dating 'secret', ngayon 'confidential' na ang term. 😅 This is politics and is only in the Philippines."
Sa panghuling komentong ito, nag-react naman ng fire emoji si Janno.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/janno-gibbs-may-banat-sa-salitang-confidential/">https://balita.net.ph/2022/09/19/janno-gibbs-may-banat-sa-salitang-confidential/
Sa kasagsagan ng post na ito, matatandaang napabalita ang umano'y confidential fund ni Vice President Sara Duterte, sa pagganap niya sa tungkulin bilang VP at Kalihim ng Department of Education (DepEd).
Naging mainit na usapin kasi ang tungkol sa ₱150 milyong confidential fund ng DepEd, maging ang ₱500 milyong confidential fund ng OVP
Dinepensahan naman ni VP Sara ang pagkakaroon ng confidential funds, na aniya ay gagamitin sa magkahiwalay na layunin.