Nawindang ang mga TikTok followers ng Kapamilya hunk actor na si Tony Labrusca dahil sa kaniyang latest video kung saan masisilayan ang kaniyang nagngangalit na abs at "karug".

Sa naturang TikTok video, ginamit ni Tony bilang background music ang "Super Freaky Girl x Luxurious" nina Nicki Minaj at Gwen Stefani na patok na patok sa naturang social media platform.

Naloka ang mga netizen nang ibaba ni Tony ang focus ng camera, at masilayan ang kaniyang mga pandesal at buhok pababa sa kaniyang "kaligayahan".

Saglit lamang ang pasilay ni Tony subalit sapat na ito upang kuyugin ng mga "nabiting" netizen ang comment section ng kaniyang video.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

"kalat #fypγ‚·," caption ni Tony.

Isang netizen ang nagkomento rito.

"Ngayon alam na natin anong view pag nagdadasal," biro nito.

Komento naman ng aktor, "Dasal? Or ? 😝"

"My neighbors watching me be kalat like… πŸ‘πŸ‘„πŸ‘" saad pa niya.

Narito pa ang iba pang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Halaaa po jusko"

"Parang gusto ko na lang maging kapitbahay moπŸ˜…."

"OMG ka pasamba po, Tony."

"Nakakagulat ka naman po!"

"Wait-wait, kailangan kong huminga!"

"Sir this is the first thing I see when opening this app but not complaining."

"Lord patawarin nyo po kami kung kami man ay nagkasala."

Maging ang katambal ni Tony sa patok na Boy Love (BL) Web Series na "Hello Stranger" na si JC Alcantara ay napa-komento na rin dito.

"Hoy!" tila saway nito kay Tony.

Kinilig naman ang kanilang mga tagahanga.

Dahil sa patok na naturang BL web series noong 2020 sa kasagsagan ng mga lockdown, naging pelikula ito noong 2021.