Muling nagpakawala ng mga cryptic tweets ang modelo/TV personality na si Kat Alano, hinggil sa pagkakamit umano niya ng hustisya mula sa taong nanggahasa sa kaniya.

"I can finally feel peace today," ayon sa tweet ni Kat nitong Lunes, Setyembre 19, 2022.

"God is good all the time."

"Justice, finally, after 17 years."

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

https://twitter.com/katalano/status/1571833407608598529

Niretweet din ni Kat ang magagandang pahayag at simpatya ng mga netizen para sa kaniya, na naniniwala sa kaniyang mga sinasabi.

Nangyayari ito sa muling paglutang ng balitang kusang sumuko ang TV host-comedian-dancer na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kasong "act of lasciviousness" at "rape" na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo, na muling naapela ngayon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/

Bagama't nakapagpiyansa siya sa isa bago pa man lumabas ang warrant of arrest, sa isang kaso ay nakalagay na "non-bailable" ito.

Matatandaang espekulasyon ng mga netizen na ang pinatututsadahan umano ng modelo/TV personality sa kaniyang tweet noong Setyembre 3, 2022, tungkol sa "rapist", ay ang TV host-dancer.

"Either you stand with a rapist, or you stand with the truth. Time to #pickaside. Rape is rape, No amount of corruption is going to change that," aniya sa kaniyang tweet noong Setyembre 3, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/">https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/

Matatandaang may pa-blind item noon si Kat tungkol sa isang sikat na celebrity na umano'y gumahasa sa kaniya, sa pamamagitan ng paglalagay ng pampatulog sa kaniyang alak upang maisakatuparan umano ang balak nito.

Hindi nagsampa ng kaso o reklamo si Kat dahil pinagbantaan umano siya ng personalidad na ito na sisiraan at kakasuhan, na bagama't hindi pinangalanan, ay nagbigay ng clue na 'sounds with wrong' ang first name daw nito.

Noon pa man, lumutang na ang mga haka-haka, na ang tinutukoy raw niya ay si Vhong.

Wala namang kinumpirma si Kat kung totoo ba ang mga kumakalat na pangalan tungkol sa kaniyang blind item.

Matatandaang noong nakaraang buwan (Agosto), matapos ang ilang taon, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang muling pag-file ng rape and acts of lasciviousness charges laban kay Vhong na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo, matapos maibasura ng Department of Justice o DOJ.

Ayon sa lumabas na desisyon ni Associate Justice Florencio M. Mamauga, Jr., granted ang petisyon na muling maihain ang kaso, at "reversed" at "set aside" ang naging desisyon ng DOJ noong Abril 30, 2018 at Hulyo 14, 2020.

Ibinasura ng DOJ ang apela ni Cornejo na muling i-review ang kasong two counts of rape na isinampa niya laban kay Navarro----na isang sexual intercourse at sexual assault, na naganap daw noong Enero 17 at 2, 2014. Ngunit ayon sa DOJ, walang probable cause upang maparusahan ang TV host sa naturang krimen.

Sa unang araw ng Agosto, bumungad na nga sa mga balita ang desisyon ng CA.

"The Office of City Prosecutor of Taguig City is thus DIRECTED to the informations against "Ferdinand 'Vhong' H. Navarro" for: (1) Rape by Sexual Intercourse under Article 266-A (1) of the Revised penal Code, as amended by Republic Act No. 8353; and (2) Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code."

Matatandaang nagsimula ang kasong ito noong 2014 matapos paratangan ni Cornejo si Navarro ng attempted rape. Na-involve sa kaso ang kaibigan ni Cornejo na si Cedric Lee at mga kasama nito matapos umanong bugbugin ang comedian-TV host sa condo unit sa BGC, dahil sa mga akusasyon ni Cornejo.

Noong Agosto 31, muling itinanggi ni Vhong ang akusasyon sa kaniya ni Deniece habang aminadong ang tanging kasalanan niya lang noon ay “niloko” niya ang kaniyang girlfriend at kalauna’y napangasawang si Tanya Bautista.

“Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay yung niloko ko yung girlfriend ko noon at ito na yung wife ko ngayon,” ani Vhong sa isang panayam ng ABS-CBN.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/">https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/