Umaabot na sa halos 72.9 milyon ang bilang ng mga Pinoy na fully-vaccinated na laban sa Covid-19.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Martes, nabatid na ang naturang bilang ay naitala hanggang nitong Setyembre 18, 2022 lamang.

Sa naturang bilang, nasa 6.8 milyon ang senior citizen; higit 9.9 milyon ang adolescents at higit 4.9 milyon naman ang mga bata.

Mayroon na rin umanong 18.9 milyong indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang first booster dose at halos 2.7 milyon naman ang nakatanggap na ng second booster shots.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ayon sa DOH, sa ilalim naman ng kanilang PinasLakas Campaign, nasa 31,939 na ang A2 o senior citizen na bakunado na hanggang noong Setyembre 18, 2022, mula sa target na 1.07 milyon.

Mula naman sa 23 milyong target, nasa 2,708,323 na ang mga nabigyan ng first boosters.

Iniulat rin ng DOH na mayroon na silang 19,283 PinasLakas sites sa buong bansa.

Matatandaang ang PinasLakas Campaign ay inilunsad ng DOH upang maturukan ng Covid-19 booster shots ang may 23 milyong eligible individual sa bansa, sa unang 100 araw sa puwesto ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..